Make your own free website on Tripod.com

Sa bawat pag silang ng bagong pag-ibig may isang iiwan at lilisan, damhin mo o giliw ko ang sikat ng bagong umaga sa duyan ng hangin at hamog. At iyong alagaan at paka ingatan ang isang munting anghel

Hindi man sinasadyang ikaw ay dumating, hulog ka ng langit para sa akin. Tanglaw ako sayong landas ngayon at bukas, pangakong pagmamahal ko ay walang wakas.

Munting anghel pakinggan mo ang awit ng pag-ibig ko sabay sa ingay ng bago mong mundo. Sa pagmulat ng iyong mata ang una mong makikita, ay ang iyong inang mapag mahal. Yakapin mo ng mahigpit tulad ng kanyang pananabik ang ikaw ay makita at mahagkan.

Hindi man sinasadyang ikaw ay dumating, hulog ka ng langit para sa akin. Tanglaw ako sayong landas ngayon at bukas, pangakong pagmamahal ko ay walang wakas.